Tuesday, November 3, 2020

Rabiya Mateo Confirms Her Six-Year Relationship

Ang Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo ay may anim na taon ng relasyon sa kanyang nobyo na si Neil Salvacion.

 

Iyan ang pahayag ng 24-year old beauty queen sa kanyang interview matapos siyang koronahan. Ayon sa kanya, si Neil daw ang kanyang kauna unahang boyfriend.

“We’ve been dating for six years. He’s my first boyfriend.. We’ve been together since college.” Dagdag pa ni Rabiya, “I can a make a man stay.”

 

Si Neil ay isang nurse, very supportive naman daw ang kanyang nobyo sa kanyang pangarap na maging Miss Universe Philippines.

Kuwento pa ni Rabiya, “He made me promise not to leave him even if I win the Miss Universe Philippines crown.” Mayroon din daw siyang video habang  sinasabi ito, “I have a video stating that, he made me do that.”

“EVEN BEFORE THAT FAME, I HAD HIM ALREADY”

 

Malaki raw ang pasasalamat ni Rabiya sa kanyang nobyo dahil naiintindihan nito ang kanyang pagiging busy sa Miss Universe Philippines. Dagdag pa niya, isa raw si Neil sa nagbigay suwerte sa kanyang buhay.

Hindi din daw gagaya ang dalaga sa iba na kapag nasungkit na ang korona ay iiwan ang kanilang karelasyon.

 

“We will make sure to work things out. If it’s true love it will never end.”


Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only