Monday, November 9, 2020

Mikee Agustin And Yexel Sebastian Welcome Their First Born

Isinilang na ni Mikee Agustin ang kanilang supling ng long-time boyfriend na si Yexel Sebastian, ngayong Lunes November 9.

 

Agad ibinahagi ng proud first time dad na si Yexel ang kanilang blessing at kinuhaan ng video ang kanilang baby na nasa nursery room pa lamang.

Una siyang nag upload ng litrato sa kanyang Instagram ng bintana ng nursery room na nakasarado pa ng kurtina at may caption na;

 

“Sa loob po nito nandito na yung baby namin ni Mikee sobrang hirap na hirap po siya. pero salamat sa Diyos dahil kinaya.”

 

Sa isang vlog na kanilang inupload ay prinank nila si Vhong Navarro at sinabi na buntis si Mikee. Sa umpisa pa nga ng video ay naglalagay sila ng damit upang mag mukhang totoong buntis si Mikee.

Pero sa huli ay lumabas na ang mga viewers ang talagang na-prank dahil totoo ngang buntis si Mikee. Napagdesisyonan lang muna ng dalawa na ilihim muna ito sa publiko.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only