Tuesday, November 24, 2020

Bea Alonzo, Tuluyan Nang Nilisan Ang Star Magic Matapos Ang 19 Na Taon

Tuluyan nang iniwan ng aktres na si Bea Alonzo ang Star Magic. Kinumpirma naa ito ng mga ilang mga mapagkakatiwalaang showbiz insiders.

 

Si Bea ay itinuturing bilang isang homegrown talent at isang A-lister sa Star Magic. A-lister ang tawag sa artist ana mayroong premium box-office, television ratings, fan base at endorsements.

 

Maituturing A-lister din ang iba pang kasamahang artista ni Bea sa ABS-CBN kagaya ni John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Liza Soberano at Enrique Gil, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Toni Gonzaga, Coco Martin, Vice Ganda at Sarah Geronimo.

 

Naging bahagi siya ng Star Magic ng taong 2001, at kabilang sa kanyang mga batchmate ay sina Alfred Vargas, Nadine Samonte, TJ Trinidad, Dennis Trillo at Karel Marquez.

 

Unang napanuod at nakita si Bea sa “K2BU” noong taong 2002 kasama ang Miss Universe 2016 na si Pia Wurtzbach at Shaina Magdayao.

Ang tanong ngayon ay kung sino na ang magma-manage sa 33-year-old-actress? May mga bali-balita na nasa pamamahala na daw ito ng isang veteran talent manager na si Shirley Kuan.

 

Bukod kay Bea ang ilang pang mga artista na hustong pinasikat ng ABS-CBN ay sina Claudine Barretto, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, Maja Slavador, Kim Chui at Gerald Anderson.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only