Tuesday, November 24, 2020

Anne Curtis, Tahimik Na Tinulungan Ang Isang Netizen Para Sa Operayon Nang Kapatid Nito


Halos mag-iisang taon na simula nang umalis si Anne Curtis sa Pilipinas para duon isilang ang anak na si Dahlia Amelie.


Sa Melbourne, Australia nila napagkasunduan ng asawa na si Erwan Heussaff na duon ipanganak ang kanilang unang baby. Wala rin namang kasiguraduhan kung kailan babalik ang pamilya ni Anne sapagkat inabutan na rin sila duon ng pandemic at lockdown.

 

Gayun pa man, kahit nasa malayo at nasa ibang bansa si Anne ay patuloy pa rin ang kanyang pagtulong sa mga nangagailangan dito sa bansa. Isa si Anne sa mga artista na hindi ipinangangalandakan ang pagtulong sa mga mahihirap o nangangailangan.

 

Ngunit mahirap rin na hindi ibahagi ang ginawang pagtulong at kabutihang ginawa ng aktres kay Reymark Molbog, ang 24-year-old brother ng isang portrait artist na si Ronald Molbog.

 

Si Reymark at Ronald ay nasa pitong magkakapatid at puro lalaki. Sila ay ulila sa ama, may sakit naman sa kidney ang kanilang nanay na si Evelyn, habang mayroon din silang kapatid na may karamdaman sa pag-iisip.

 

Sa kuwento ni Ronald, napakahirap daw ng kanilang buhay at kinailangan niyang ihinto ang kanyang pag-aaral nuong sila ay naninirahan pa sa Sorsogon. Kasalukuyan silang nakatira ngayon sa Novaliches, Quezon City.

 

Pinagsasabay ni Ronald ang kanyang pag-aaral at pagguhit o pag drawing ng mga portrait. Taong 2019 nang matuklasan ni Ronald ang kanyang talent sa pagguhit at ang paboritong niyang si Anne ang isa sa mga ginawa niyang subject.

 

Nito lamang November 1, 2020 ay dinala si Reymark sa isang ospital sa Novaliches at nirekomenda ng doktor na sumailalim ito sa appendectomy surgery. Malaking problema naman ito para sakanilang pamilya dahil kapos sila at walang pera.


Sa kuwento ni Ronald ay noong gabi raw na iyon ay nakita niya na umiiyak ang kanyang kuya dahil hindi nito alam kung saan kukuha ng pera para sa kanyang operasyon.

 

Duon niya naisip nab aka raw makatulong ang mga artwork kahit papano dahil sobra na raw siyang naawa sa kanyang kuya.

 

Nag-post si Ronald sa kanyang facebook page ng kanyang mga artwork, at kabilang na nga duon ang charcoal portrait ni Anne.

 

“Kakapalan ko na po ang muka ko, gusto ko lang po sana humingi ng kaunting tulong para sa operasyon ng kapatid ko.”

 


“Gusto ko pong ibenta ang artworks ko o pag-bigay ng kahit piso lang wala na po talaga kase kaming ibang malapitan, ang mama ko walang trabaholahat may sakit din ang papa ko patay na kaya kuya ko na  lang bumubuhay samin wala rin siya ngayong trabaho.”

 

Ayon pa kaya Reymark, lahat raw ng pwedeng mahingiian ng tulong ay nalapitan na nila at humihingi ito ng pasensiya sa abala.

 

Lingid sa kaalaman ni Ronald, isang fan ni Anne ang nakakita ng kanyang post at ipinadala sa aktres ang link ng panawagan nito. Nagulat si Ronald ng makatanggap siya ng message mula sa assistant ni Anne sa Dream Machine. Ito ay ang foundation ni Anne na nagbibigay katuparan sa mga pangarap ng mga deserve tulungan.

 

Nag chat daw ito sa messenger at tinanong kung magkano ang charcoal portrait ni Anne, ngunit naibenta niya na raw ito ng P1,000 dahil kailangan na kailangan nila ng pera.

 

Kaya naman nagtanong na lamang daw ito kung magkano pa ang kulang sa operasyon ng kanyang kuya, at sila na lamang daw ang magbabayad.

 

Hindi pa rin makapaniwala si Ronald na nakarating kay Anne ang kanyang panawagan na nagawa silang tulungan nito.


Kaya bilang pasasalamat naman ay gumawa ulit si Ronald ng charcoal portrait ni Anne na kasama naman ang asawa na si Erwan.

 

Nag-tweet si Ronald kay Anne at ipinakita niya ang kanyang bagong artwork para sa aktres at may mesnahe na;

 

“Hi Ms. Anne, ako po yung kapatid ni Reymark, yung inoperahan po. Maraming maraming salamat po ulit sa tulong nyo sa amin sa operasyon niya, ginawan ko nga po pala kayo ng charcoal portrait. Gusto ko sanang ibigay sa inyo.

 

Hindi naman nabaelawala ang tweet na ito ni Ronald dahil nag response si Anne kanyang sagot ay; “Awwww pakisabi sa kapatid Maraming maraming salamat. This is so sweet.”


Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only