Ito ay matapos na hindi umattend ang Pangulo sa press
briefing na di umano ay siya ang nag-utos. Ipinaliwanag naman ito ni Presidential
Spokeperson Harry Roque.
Ayon sa kanya, umuwi raw ang Pangulo sa Davao at nakatakdang
bumalik sa Maynila ng Martes, November 3. Ang press briefing ay tungkol umano
sa mga kalihim ng government agencies na tutulong sa ating mga kababayan na
naapektuhan ng bagyong Rolly.
Samantala, marami naman ang nag-iisip sa cryptic post ng aktres na si Angelica Panganiban sa kanyang Twitter.
“Ano ng plano? Tulog na lang? Kilos kilos naman para sa sinumpaan
para sa bayan at mga Pilipino…”
Marami ang naniniwala na para sa Pangulo ang patutsadang
post na ito ni Angelica. Tulad naman ng inaasahan, binatikos naman kaagad ang
aktres ng mga Duterte supporters.
Binash si Angelica at sinabihan ng mga below-the-belt na salita ng mga supporters ng Pangulo. Ganun pa man, ilang netizen din ang nag-tanggol kay Angelica at sinabing wala naman daw binabanggit na Pangalan ang aktres sa kanyang cryptic post kaya huwag na dapat pairalin ang mga haka-haka at maling akala.
Ang iba naman ay sinabing kahit walang banggitin na pangalan
ang aktres ay obvious na para sa Pangulo ang tweet na ito dahil siya lang naman
ang inaasahang mamuno sa ating bansa.
Matatandaan na ginamit na rin ang #NasaanAngPangulo at nag
trending worldwide nuong panahon ng pamumuno ni Noynoy Aquino, matapos nitong
hindi dumalo sa Heroe’s welcome ng mga pulis na nagbuwis ng buhay sa Mamasapano
Massacre noong 2015.
Post a Comment