Wednesday, November 4, 2020

Angel Locsin, Napaluha Ng Bigyan Diin Na Hindi Siya Miyembro Ng NPA

Noong November 1 ay nakatutok ang lahat sa pananansala na hatid ng Super Typhoon Rolly sa Bicol Region at Southern Luzon. Kaya naman hindi masyadong napagtuunan ng pansin ang sagot ng aktres na si Angel Locsin sa mabigat na askusasyon sa kanyang kapatid na si Ella Colmenares ni AFP Southern Luzon Command Chief Lt. Gen Antinio Parlade Jr.

 

Si Ella raw ay dating miyembro ng Communist Party of The Philippines, New People’s Army, at National Democratic Front.

Ayon sa spokeperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na noon raw panahong nasa underground movement si Ella ay alam daw ito ni Angel at suportado pa niya ang kapatid.

 

 Sinagot naman ito ni Angel noong October 31, napaluha ang aktres tungko sa paratang na wala naman raw katotohanan ayon sa kanya.

 

Saad ng aktres, “I never associated myself with the NPA. He associated me with the NPA.”

“Bakit hindi po nila kami idinemanda kung sure na sure sila?”

Ayon kay Angel ay gusto sila umano sirain sa social media. Kinokonsidera rin ng kanyang legal team ang pag-dedemanda.

 

Binigyan diin naman ni Angel na wala raw siyang masamang hangarin o hidden agenda. Gayun pa man, nanindigan pa rin si Parlade na dati ngang kasapi ang kapatid ni Angel na si Ella ng CCP.

 

Sabi niya, “I never said that Angel Locsin is an NPA, but ang statement niya ngayon sinasabi niya ngayon hindi raw siya NPA.”

Dagdag pa niya, sana raw ay hindi na magsinungaling ang aktres na hindi NPA si Ella Colmenares, dahil talaga naman raw NPA ito.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only