Wednesday, October 28, 2020

Vice Ganda: Nagdiwang Sa Pag-Suporta ni Pope Francis Sa Same-Sex Civil Union

Maraming Filipino celebrities ang natuwa at nagdiwang sa pahayag ni Pope Francis ng suporta at pagtanggap sa same-sex civil unions.

Hindi lamang suporta ang pahayag ng 83-year-old Roman Catholis Church leader sa mga tao na may karelasyon mula sa LGBTQ o lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, community na pangarap ang magkaroon ng sarili at buong pamilya.

Ngunit laking tuwa ng mga Pinoy dahil umano inendorso ni Pope Francis ang pagkakaroon ng “civil union law” para sa mga LGBTQ people.

Ayon sa kaniya, katulad din ng ibang tao, may karapatan din ang mga LGBTQ na magkaroon at maghangad ng sariling pamilya dahil kinikilala rin sila bilang “anak ng Diyos.”

Nabanggit umano ito ng Argentine pontiff sa kanyang feature-length documentary na Francesco.

Ang Francesco ay tinatalakay umano ang samu’t saring usapin na malapit sa puso ng Santo Papa, gaya na lamang ng kalikasan, kahirapan, migration at marami pang iba.

Ayon naman sa pahayag ng Asscociated Press, ito ang isang quoted na sinabi ni Pope Francis sa gitnang bahagi ng dokumentaryo:

Sa report ng Associated Press, quoted si Pope Francis sa gitnang bahagi ng dokumentaryo: “Homosexual people have the right to be in a family. They are children of God.

“You can’t kick someone out of a family, nor make their life miserable for this.

“What we have to have is a civil union law; that way they are legally covered,” pahayag ni Pope Francis.

Noong October 21, Miyerkules, kasa-kasama ang Francesco sa Special Events ng Rome Film Festival. Ipapalabas din ito sa Savannah Film Festival sa Georgia, United States sa araw ng Linggo, October 25.

 

Sa pamumuno nito ng gay filmmaker na si Evgeny Afineevsky, na nakakuha ng Academy Awards nomination para sa dokumentaryo niyang Winter on Fire: Ukraine’s Fight for Freedom noong 2015.

 

VICE AND DIREK ANDOY REJOICING

Naging laman nga ng social media ang hindi inaasahang pahayag ni Pope Francis nong October 21, Miyerkules ng gabi. Isa itong magandang balita para sa mga LGBTQ community at sa lahat ng tao na pabor at nagmamahal sa mga taong kasapi rito.

Kabilang sa mga natuwa ang comedian-TV host na si Vice Ganda at ang TV director na si Andoy Ranay dahil umano sa pahayag ng Santo Papa.

Sina Vice Ganda ay kasapi na umano sa LGBTQ community noong 44 taong gulang siya at 47 taong gulang naman si Direk Andoy. Sa kasalukuyan ay parehas silang masaya at nagmamahalan ng totoo sa kani-kanilang kasintahan.

Halos magdadalawang taon na ang relasyon ni Vice sa kapwa niya It’s Showtime host na si Ion Perez, 29 taong gulang. Mahigit isang taon namang engaged sa kaniyang longtime boyfriend si Direk Andoy sa isang film director na si Noel Escondo.

 

Sa pahayag umano ni Pope Francis tungkol sa LGBTQ, ni-repost ni Vice Ganda sa kaniyang Twitter account ang report ng CBS News tungkol sa pag-endorso umano ni Pope Francis tungkol sa same-sex civil union.

Sabi ni Vice sa kaniyang re-tweet: “Pope Francis na yan o! POPE FRANCIS!!!! O loko!!!!”

Ang balita naman ng Associated Press ang ni-retweet ni Direk Andoy nitong Miyerkules ng gabi.

Kelan daw kaya magkakaroon ng same-sex civil union law sa Pilipinas?, katanungan umano ni Direk Andoy.

Tinuldukan ng rainbow at rainbow flag emojis, nag-tweet si Direk Andoy: “O Pilipinas! Kelan tayo?! #LGBTQ”

Marami pang mga celebrities ang natuwa sa balitang ito at nagreact din ng Heart Emojis kabilang na sina Janina Gutierrez at Gabbi Garcia.

Noong Huwebes ng madaling-araw, sa kani-kanilang Twitter account nag-post si Gabbi, 21 years old, habang si Janine, 31 years old, naman ay sa kaniyang Instagram stories.

Sa Instagram Story ng Kapamilya actress na si Iza Calzado, 38, nitong Huwebes, nagpasalamat siya kay Pope Francis.

Ni-repost ang quote card ng Rappler, mababasa sa Story ni Iza: “Woke up to this. Thank you, Pope Francis [white heart emoji]”


WHAT IS SAME-SEX CIVIL UNION?

Sa bansang United States of America ilan sa mga states nito ay nagpapatupad ng same-sex civil union.

Ang ibig sabihin ng same-sex civil union ay nagbibigay ng marriage-like legal status sa pareha na kapwa miyembro ng LGBTQ community.

Sa kabilang banda, ang kaakibat naman nitong legal rights at mga benepisyo ng pagsasamang ito ay hanggang sa state-level lamang, o may bisa lamang ito sa estado kung saang lugar nagpakasal ang mag-asawa.

Samantalang ang legal protection ng same-sex marriage ay kinikilala sa buong Amerika.

Sa same-sex marriage, may dagdag na benepisyo ng visa petitions, social security benefits, pagsasama ng inihahaing federal taxes, at kumpletong benepisyo sa educational assistance, home loan programs, at health coverage sa veterans.


FIRST POPE TO ENDORSE SAME-SEX CIVIL UNION

Sa karamihang naging lider ng Simbahang Katoliko si Pope Francis lamang ang kauna-unahang sumuporta at naging pabor sa same-sex civil union.

Inendorso rin ito ng Santo Papa kahit arsobispo pa lamang ito sa Buenos Aires, Argentina, ito ay si Jorge Mario Bergolio na naging sang-ayon din sa LGBTQ people bilang alternatibo sa same-sex marriage.

Ngunit sa kadahilanan sa pag-endorso ni Pope Francis sa same-sex union na Santo Papa na siya, nahahati ngayon ang reaksiyon ng Vatican.

Taliwas umano ito sa Catholic teaching ang paninindigan ni Pope Francis.

Sa palatuntunan ng paniniwalang Katoliko, itinuturing nila na “instrinsically disordered” kahit hinihimok ang dignidad at respeto sa pagtrato sa mga homosexuals.


“Cannot lead in any way to approval of homosexual behavior or to legal recognition of homosexual unions,” ayon ito sa isang dokumento mula sa doctrine office ng Vatican, bilang respeto sa Simbahan sa LGBTQ people.

Ang nasabing dokumento ay pinirmahan noong 2003 ng hinalinhan ni Pope Francis sa puwesto noong 2013, ang ngayon ay si Pope Emeritus Benedict XVI.

Sa kasalukuyan, ay wala pang pormal na pahayag ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) tungkol umano sa pagpabor ni Poepe Francis sa same-sex civil union.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only