Thursday, October 22, 2020

Nobyo ni Janella Salvador Nag-upload Nang Larawan Nang Isang New Born Baby Sa Kanyang IG Story

Photo Credits to FashionPULIS.com

Naging usapan ang pag-dadalang tao ni Janella Salvador nitong mga nakaraan dahil sa mga nagsabi na nakita nila ito at ang boyfriend na si Markus Paterson na nagpa-check up at halata na di umano ang baby bump ng aktres.


Nasundan pa ito ng mas matinding haka haka dahil sa pag-alis ng aktres papuntang UK kasama ang kanyang ina at sinabi naman ng ilan na doon na rin daw mangagangak si Janella. 

 



Nito lamang October 21, 2020 ay nag post si Markus na nobyo ni Janella sa kanyang IG story ng isang babae na nakahiga sa ospital at ang isang baby na new born.


Kaagad niya ring binura ang inupload ngunit mabilis ang mga mata ng netizens at nakuhaan nila agad ng screenshot ito.


Makikita sa litrato ang babae na may bangs kaya ilang netizens naman ang nagsabi na hindi mapag-kakailang si Janella nga ang nasa larawan.

Sa mga huling post kase ng aktres sa kanyang Instagram ay makikita ang bago niyang hairstyle na may bangs at naka highlights.


Kaya naman ganun na lang kakumbinsido ang mga netizens na si Janella nga ang nasa larawan na iyon.

 

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only