Thursday, October 22, 2020

Loisa Andalio: Napaiyak Sa Sobrang Hirap Ng Buhay Dahil Sa Kawalan Ng Trabaho

Pilit na nagpapakatatag ang Kapamilya young aktres na si Loisa Andalio bilang breadwinner sa kanilang pamilya. Hanggat maaari ay ayaw nya ipakita sa kanyang mga magulang at mga kapatid ang nararamdamang takot at pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala parin syang regular na trabaho dahil nga sa pagpapasara ng Kapamilya Network na ABS-CBN.


Magkasama sana sila ng kanyang boyfriend na si Ronnie Alonte sa upcoming Kapamilya series na “Bagong Umaga”. Ngunit bigla nga silang natanggal sa eksena kasabay ng pagkakatanggal din sa aktres na si Julia Barreto. Kahit gaanu man katapang ang aktres na si Loisa Andalio, bumigay din ito sa huli sa kanyang interview at napaiyak habang nagkwekwento tungkol sa pagkawala ng trabaho sa kabila ng COVID-19 pandemic.



“Pinaka-challenge talaga yung walang work. Bilang breadwinner, diba, mahirap. Ikaw yung inaasahan ng Family mo. Kasi kung baga, ikaw yung may pinaka-okay na trabaho noon eh. Tapos biglang wala. Tapos yung mga kapatid ko naman, yung sinusuweldo nila, tama lang naman sa mga anak nila din. So. Mahirap, sobrang hirap”. – Ayun sa young aktres.


Ngaunit sa kabila ng lahat ng ito, ayaw ipakita ni Loisa sa pamilya nya na ang takot na nararamdaman. Tanging sa boyfriend nyang si Ronnie Alonte sya sumasandal at nagsasabi ng nararamdaman.


“Napag-uusapan naming yung sitwasyon. Yung parang, hindi talaga natin alam, no? Hirap. Mahirap din kasi sa family, kumbaga, kami yung parang strength, edukasyon, pagkain, lahat”. Parang ayaw naming sila din yung mag-alala din. Ayaw naming silang matakot”. – Sinawalat ng young aktres at tuloyan na ngang napaiyak sa interview.


“Kumbaga, hindi din naming pinapakita. Baka malaman nila, Ay, may ganyan pala si Loisa. Kumabaga hirap”. Pero mas pinapakita ko sa Family ko, wala ito, okay alng ito. Okay lang wala akong trabaho, huwag nyong isipin. Pero deep inside, hindi okay eh”.


Ang iniisip na lang ngayon ni Loisa ay ang pagiging healthy sa kabila ng health crisis na nilalabanan ng buong mundo. At kahit paanu ay may naipon sya sa kanyang dating trabaho sa ABS-CBN. “Ako nga, may bahay kami, nakakakain naman kami. Paanu kaya yung isang kahig isang tuka, na mga tao? “Kaya hindi ko narin iniisip yung sarili naming. Kumabaga, mas thank you na lang talaga kasi healthy yung family, walang may sakit”.


Sa kabila ng lahat ng ito, may mensahe ang aktres sa kanyang Family at sa lahat ng mga Pinoy ngayong may kinakaharap na pandemya – “Pilit ko silang sinasabihan na okay lang yan, malalagpasan din natin ito. Kumabaga, pagsubok lang talaga ito eh. Kumabaga, lagi namang dumadaan sa buhay ng tao ang ganitong pangyayari sa mundo. Kailangan din mo lang na talagang magtiwala. At saka itong quarantine din, nagpapalapit sa atin sa Diyos. Kumbaga yun na din alng talaga yung pinanghahawakan ko, yung mga pangako nya”. Lagi kong sinasabi, kumabaga, ito yung buhay, kumbaga, kailangan lang natin i-enjoy. Huwag kayong mai-stress kung anumang problema. Problema lang yan”. Ang isipin nyo lang malakas ka, malakas tayo. Ang pamilya ko kasi sobtang masayahin talaga. Hindi rin nila iniinda kung anu-ano. Ganyan lang stay strong”.


Si Loisa Andalio ay nakilala bilang isa sa mga young aktres ng Kapamilya Network na ABS-CBN. Katambal nya o ka-love team ang real life boyfriend nyang si Ronnie Alonte. Huli silang napanuod sa isang teleserye sa ABS-CBN at pelikula noong nakaraang taon.


Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only