Monday, October 12, 2020

Here's The First Look At Vice Ganda's New Industrial Home



Ibinahagi ni Vice Ganda ang first part ng kanyang bagong bahay, at napakaganda nito.

 

Ayon kay Vice, binili niya raw ang property lima o anim na taon na ang nakakalipas, ngunit ng pumanaw raw ang kanyang lolo ay nawalan siya ng gana na patayuan ito ng bahay. Tatlong  taon din daw ang inabot ng construction ng kanyang bahay.

 

Nakatakda sanang lumipat si Vice buwan pa lang ng March ngunit naudlot ito dahil sa pandemiya. Hindi pa ito ganun katapos ayusin ngunit ibinahagi na ni Vice sa publiko ang kanyang 1,300 sqm na bahay.

Ang disenyo raw ng kanyang bahay ay industrial kung saan stone, metal and glass ang elements nito.

 

Pagpasok pa lang ay makikita na ang mga box na kanya pa lamang bubuksan.
Ang kanyang powder room naman daw ay may toilet na galing pa ng Dubai.
May built in elevator din ang kanyang bahay para mas madali daw para sa kanyang Nanay.


Mayroon din itong den na pwede niya ring maging office at entertainment area.Ang kanyang kitchen naman ay may island counter at dumbwaiter kung saan ito ay elevator para sa kanilang pagkain.Narito naman ang kanyang napakalaking dirty kitchen.

Nagbiro pa si Vice tungkol sa kanyang kusina at sinabing "Bakit ganito kalaking kitchen ang ginawa ninyo? Munggo lang naman ang inuulam ko tuwing Biyernes at tsaka galunggong."





Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only