Wednesday, October 21, 2020

Flight Attendant Na Nakilala Sa "Tiktok Challenge", Natanggal Sa Kanyang Trabaho


Si Jen Barangan ang flight attendant ng Cebu Pacific na sumikat dahil sa kanyang “TIKTOK CHALLENGE”

 

Nito lamang nakaraan ay emosyonal na ibinahagi ni Jen sa kanyang Youtube Channel ang kanyang pag-kakatangal sa minahal niyang kompanya.

Kwinento niya ang hirap na pinagdaanan sa kanyang 14 days quarantine na siya lamang mag-isa at walang kahit sino sa kanyang tabi.

 

Nasama si Jen sa 2nd wave ng retrenchment ng kompanya na effective nitong nakaraan October 16,2020. “I just lost a job that I dearly love.”

Ayon sakanya sa simula ay nahirapan siyang tanggapin ito, “I couldn’t possibly share it with my family because I know they’ve been through a lot and knowing I am the breadwinner.”  Ngunit bagong chapter ng kanyang buhay ang kailangan harapin at sinabi niyang “we were born to be strong”.

 

Sinabi niya, “I am grateful for the wonderful three years that I am flying with Cebu Pacific, mainly because they let me showcase my talent even if I was doubting myself.” Nagtagal siya ng tatlong taon sa kompanya.

Ang kanyang fans at followers naman ay nalungkot sa ibinahagi niyang ito lalo pa at nakilala nila si Jen bilang isang charming na flight attendant dahil sa Tiktok challenge, ngunit ganun pa man ay patuloy pa rin ang pag-suporta nila kay Jen.

Payo naman ni Jen, “Now I want you keep on fuelling your dreams with PASSION, DETERMINATION AND HARDWORK because, it might be the end of my time with Cebu Pacific, but it doesn’t mean it can’t be the start of yours.”


Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only