|
Photo Credit to Mark Ken Garzon and Jan Dominique Agravante Facebook |
Hinangaan
ng maraming netizen ang nag viral na larawan ng isang working student na ipinost
ng isang facebook user na si Mark Ken Garzon. Ito ang larawan ng kanyang
kasamahan sa trabaho sa isang Fast Food Chain. Makikita sa picture na nakaupo
sa sahig ang isang babaeng service crew kasama ang mga naka stock na sako ng
bigas at mga supplies ng isang Fast food Chain. Kaharap ng dalaga ang kanyang
cellphone at hawak naman sa kabila nyang kamay ang isang notebook.
|
Photo Credit to Mark Ken Garzon Facebook |
Napag-alamang
ang dalaga na nag viral sa picture na ito ay uma-aatend pala ng online class ng
nakunan sya ng larawan. Ang masipag na dalaga ay nakilala na si Jan Dominique
Agravante, isang 4th Year Business Administration student sa
Pamantasan ng Lungsod ng Marikina. Sa isang interview sa dalaga, sinabi ni Jan
na sa kabila ng takot para sa sarili dahil sa nangyayaring pandemic, kinuha
parin nya ang opportunity na magtrabaho sa Fast Food Chain. |
Photo Credit to Jan Dominique Agravante facebook |
Ayon sa dalaga, kailangan nya ng trabaho at gawin ito para
sa kanyang pag-aaral at makatulong narin sa pamilya. Bukod sa kanyang sipag at
lakas ng loob, alam nya kung panu balansehin ang kanyang oras sap ag-aaral at
pagtratrabaho. “Hindi ako pwedeng mapagod, kasi para kina Papa at Mama ang
ginagawa ko at para narin sa sarili ko po”. – Ayon sa dalaga. Isa lang ito sa
mga nakaka inspire na kwento ng buhay, walang imposible para maabot ang mga
pangarap, sipag at tyaga ang sekrito at balang araw darating din ang tamang
oras ng pag-asenso. Mabigo man sa laban ng buhay, kailangan natin matutong
bumangon at magsimula ulit. Wag na wag susuko, laban lang ng laban.
|
Photo Credit to Jan Dominique Agravante facebook |
Post a Comment