Ang Department of Education (DepEd) ay may nakitang 34 na
error sa self-learning modules na ginagamit ng mga estudyante ngayon, ang modules ang kanilang daan para maisatawid ang klase ngayon taon dahil sa pagkansela ng
gobyerno sa face to face na klase dahil sa pandemya.
Ayon sa DepEd, ang report daw sa kanila ay 35 errors, “Ang
report po sa atin as of 8 am this morning, meron po kaming 35 na mga
screenshots. Thirty-five po ang namonitor namin at sa 35 pong ito ay iba iba
yung klase ng error,” yan ang sinabi ni Diosdado San Antonio, Education
Undersecretary for Curriculum and Instruction, nitong Lunes sa press briefing.
Dagdag pa niya, “Yung ating self-learning modules na
ginagamit sa ating mga paaralan ay iba-iba ang may gawa.”
“Sang-ayon sa aming report na nakuha doon sa 35 instances na may mali, ang kinoconfirm namin na may mali na talagang dumaan sa aminng team na-review ay isa,” kanyang depensa
Post a Comment