Wednesday, October 7, 2020

Bela Padilla Finally Reveals Her Relationship With Foreigner Boyfriend

Photo from Google


Ipinakilala na ni Bela Padilla ang kanyang foreigner boyfriend na si Norman Ben Bay.

 

Ilang araw lamang matapos makita sa social media ang kuha niya na nagbabakasyon sa Turkey na kasama ang hinihinalang nobyo niya, at ang dahilan kung bakit pumunta din ang aktres duon.

Sa kanyang Instagram post nitong Martes, October 6, sinabi ni Bela na nakilala niya ang nobyo sa St. Gallen, Switzerland.

 

Sa kanilang litrato na nag toast hawak ang kanilang wine glass habang tanaw ang background ng sunset, may caption ang dalaga na, “The one I met in St. Gallen.”

 

Maaari o posibleng nakilala ni Bela ang nobyo habang nagsu-shooting ng movie na Meet Me In St. Gallen, kung saan katambal niya dito si Carlo Aquino.


January 2017 ng ihayag nuon ni Bela ang hiwalayan nila ni Neil Arce pagkatapos ng apat na taon na relasyon, at ito ang unang pagkakataon na nagpakilala si Bela muli ng kanyang pag-ibig matapos ang apat na taon.

 

Samantala, nakatakda naman nang ikasal si Neil Arce sa girlfriend na si Angel Locsin.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only