Wednesday, October 14, 2020

Arnold Clavio Binanatan ang mga Kongresista: "Bumabaha Ngayon sa Batasan Pambansa ng mga Balimbing"

Binanatan ng Kapuso broadcaster na si Arnold Clavio ang mga mambabatas matapos magdaos ng session ang kamara nakaraang October 13, 2020. Ito ay kaugnay sa kumakalat ng balita na magkaroon ng session sa umaga na pangungunahan ng kumkalat na balita na susunod na Speaker na si Congressman Lord Allan Velasco ng Marinduque, at sa hapon naman ay pamumunoan naman dawn ni Alan Peter Cayetano.


Nahalal ng bagong House Speaker si Congressman Lord Allan Velasco sa isang impormnal na session na idinaos sa Celebrity Sports Plaza, sa Quezon City, nakaraang October 12, 2020. Hanggang kahapon ng umaga ay hindi parin sumusuko sa laban si Allan Peter Cayetano sa kanayng posisyon.


Sa post ni Arnold Clavio sa kanyang Instagram account sinabi nyang “Maging Alisto” ang mga mamamayan dahil nagkalat ngayon ang “Mga Balimbing” sa kongreso.


“FLASH REPORT!!!!


“Mga iGan!!! Mag-ingat. Maging ALISTO!!!


“Bumabaha ngayon sa Batasan Pambansa ng mga balimbing!!!


“Ang detalye maya-maya lamang.”


Photo Credit from Arnold Clavio Instagram

Sa mensahe na ito ni Arnold Clavio ay pinapasaringan nya ang mga mambabatas na sumusuporta kay Allan Peter Cayetano na babaligtad at susuporta na ngayon kay Lord Allan Velasco. Sa isang comment sa post ni Arnold Clavio, sinabi ng isang netizen na “Dinaig pa ang isang Teleserye sa dami ng kadramahan, Igan – Sayang ang buwis. Sa uang post ni Arnold Clavio sa kanyang Instagram account nag post sya ng larawan ni Alan Peter Cayetano na may pisi sa leeg.


Photo Credit from Arnold Clavio Instagram
Sa nakaraang press conference, nagbitaw ng salitang “nadenggoy o naloko” si pangulong Rodrogo Duterte sa meeting nil ani Congressman Velasco sa MalacaƱang noong October 9, 2020. Sinabi ni Velasco sa media na kitang kita ko yung galit ng Pangulo. Mensahe ng Pangulo “Lord hindi lang ikaw ang napahiya dito. Tayong dalawa”. Ang tinutukoy dito ni Pangulong Duterte ay ang “gentlemen’s agreement’ na brinoker mismo ng Pangulo sa pagitan nnina Cayetano at Velasco noong 2019.


Photo Credit from Congressman Lord Velasco Instagram
Sa nasabing term sharing deal, nakasaad dito na magiging House Speaker si Cayetano sa loob ng 15 months at si Velasco naman ang papalit pagdating ng October 2020. Magiging Speaker si Velasco sa loob naman ng 21 months. Pero mukhang ayaw na raw sundi ni Cayetano ang kasunduan. Ang pinapangambahan ni Pangulong Duterte ay ang ma-freeze ang budget ng gobyerno para sa susunod na taon 2021 sa pagbabangayan ng dalawang kaalyadong kongresista. Malaking bahagi pa naman ng 2021 budget ang nakalaan para sa COVID-19 rehabilitation ng gobyerno.


Photo Credit from Senator Bong Go Facebook


Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only