Sunday, September 20, 2020

Successful Projects ni President Duterte na hindi Ibinabalita ng Media

Photo from Google

Ang dami na palang nagawa ng “Build, Build, Build” program ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa ulat ni Sec. Mark Villar ng Department of Public Works and Highways. Kasama sa vision ng program na ito ni Pangulong Duterte ay ang pag connect sa Pilipinas sa pamamagitan ng paggawa ng mga inter island mega bridges sa bansa. Kasama na dito ang paggawa ng tulay na kokonekta sa mga island ng bansa ay Pangul Bay Bridge (3.1 KM), Samal Island-Davao City Bridge (3.98 KM), at Panay-Guimaras-Negros Bridge 32.47 KM). Sa Metro Manila naman, nasa plano narin ang paggawa ng tulay na kokonekta sa mga lungsod nito na dadaan sa Pasig River, Marikina River, at Manggahan Flood Way. Sa pamamagitan ng project na ito magkakaroon ng karagdagang alternatibong daan para mabawasan ang mabigat na trapiko sa Metro Manilal lalo na sa EDSA.


Ang mga halimbawa ng project na ito sa Metro Manila na malapit nang matapos ay ang Binondo-Intramuros Bridge at ang Etrella Pantaleoon Bridge na malapit na matapos at magbubukas na sa publiko sa susunod na taon 2021. Kasama rin sa project nae ito ang iba pang mga importanteng mga tulay na malapit narin matapos tulad ng Santa Monica Lawton Bridge na kasama sa Ortigas-BGC link na matatapos narin next year 2021. Kasama din sa “Build, Build, Build” Program ang paggawa ng mga high standard highways sa bansa, sa lugar ng Luzon, Cebu City, at Davao City.


Ipinagmamalaki ng programa na ito ang mga natapos na proyekto tulad ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway, Arterial (Plaridel) By-Pass Road, Phase II, NLEX Segment 10 & C3-R10 Section, at NAIAX, Phase II. Ayon sa DPWH, maraming pang matatapos na proyekto sa susunod na taon tulad ng Central Luzon Link Expressway Phase I, Southeast Metro Manila Expressway Phase 1, at Metro Manila Skyway Stage 3, na uang ng ipinasilip sa publiko. Napaganda talaga ng program ng “Build, Build, Build” Project na ito ng ating pamahalaan, para sa kabuoang report panuorin nyo po ang video.




Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only