Wednesday, September 9, 2020

Sikat na Aktres Gustong Gumanap na Kabit sa Remake ng Korean Drama na "World of Married Couple"


Sikat na sikat talaga ngayon ang mga Korean Dramas sa Pilipinas. At hindi mapagkakaila na hook na hook ang mga Pinoy dito at walang pinapalampas na mga episode lalo na pag paborito ang mga actor at actress na bida.

Dahil na nga sa pagkahilig ng mga Pinoy dito ay hindi narin naiiwasan na mahalin at subukan ang Korean Culture, Korean Food, Korean Language, Korean Fashion, at pati narin ang mga pagkilos at paggalaw. At nitong nakaraan lamang ay naging usap-usapan sa social media ng mga netizen ang pahayag ng aktres na si Julia Barreto, ayon sa aktress gusto nyang gumanap bilang si “Yeo Da-Kyung” ng Korean Drama na “World of Married Couple” kung sakali na magkaroon ng remake nito sa Pilipinas.


Ayon sa pahayag ni Julia Barreto, certified na K-POP fan sya at mahilig sya sa mga bagay na related sa Korea. Sa naging interview nina Bianca Gonzalez at MJ Felipe sa aktres para sa PopCinema, ibinahagi ni Julia na gusto nyang magampanan ang character ng Korean Actress na si Han So-Hee. “A World of Married Couple,” if you guys have seen that, it’s one of the best in the world. I want to do something like that”. – Pahayag nng aktres. “But I want to be Da Kyung, the young girl. If you have seen it, you would know. She is the young girl there, she’s so pretty,” pahabol ni Julia sa interview.


Maraming mga netizen ang na excite at natuwa sa pahayg na ito ni Julia Barreto, pero meron din namang mga hindi natuwa at may mga negatibon reaksyon at komento tungkol dito. Matatandaang nasangkot si Julia sa issue ng hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo. Mapahanggang ngayon ay hindi parin nalilimutan ng mga netizens at ng publiko na isa si Julia Barreto sa dahilan ng hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo. Sa kabila ng mga negatibong nangyari sa buhay ni Julia ay naging nanatili parin ang aktres na masaya sa buhay.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only