Tuesday, September 8, 2020

President Duterte Grants "Absolute Pardon" to Joseph Scott Pemberton

Photo from Google
Binigyan ni President Rodrigo Duterte ng “absolute pardon” si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, na convicted sa pagpatay sa Filipino transgender woman na si Jennifer Laude. Eto ay kinumpirma ng MalacaƱang nitong Lunes September 7, 2020.

Ipinahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na makakalaya na sa pagkapiit sa kulungan si Pemberton at ang good conduct allowance nito ay hindi na magiging problema.
“Ibig sabihin po niyan, makalalaya na si Pemberton, wala na pong issue kung siya ay entitled sa GCTA, wala na pong issue kung applicable sa kanya yung batas dahil hindi siya nakulong sa national penitentiary. Binura na po ng Presidente kung ano pa yung parusa na dapat ipapataw kay Pemberton,” pahayg ni Roque sa mga reporter.

Ipinaliwanag ni Roque na “Ang di po nabura ng Presidente, yung conviction ni Pemberton, mamatay-tao pa rin po siya, pero kung ano yung karagdagang parusa pa, binura na ng Presidente.”

Photo from Google
Tinanung si Roque sa interview kung anu ang dahilan ni President Duterte sa pag grant ng pardon kay Pemberton, ang pahayag lamang nya ay “Hindi na po kinakailangang bigyang dahilan ng Presidente yan dahil yung pag grant po ng pardon at parole, yan naman po ang ating sinasabi na hindi po yan katungkulan ng hudikatura, kung di katungkulan ng ehekutibo.” “Eto daw ay one of the most presidential of all presidential powers, and pag bigay ng pardon and parole,” pahabol ni Roque sa interview. Ang mainit na balitang eto ay una nang inihayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa kanyang Twitter account.

Si US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, ay na convict sa salang pagpatay kay transgender woman Jennifer Laude noong 2014. Ang Olangapo Trial Court nitong nakaraan ay nag release ng order na pinapayagan ng makalabas ang Amerikanong sundalo. Ayon sa order ng Olangapo Court, na served na ni Pemberton ang 10-year maximum penalty nito matapos na magpakita ng magandang asal sa loob ng bilanggoan. Ngunit ipinahayag ng MalacaƱang na naka hold pa ang pag release kay Pemberton, matapos na sabihan ng Department of Justice ang Bureau of Corrections na wag muna i-release ang Amerikanong Sundalo dahil naka pend pa ang resolution of motion nito.

Si Pemberton ay naka detain muna ngayon sa isang restricted facility area sa Camp Aguinaldo, na ayon sa batas na dapat sundin na nakasaad sa Visiting Forces Agreement.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only