Nagbigay ng pahayag si Presidential spokesman Harry Roque tungkol sa pagpapa-taas ng sahod ng mga nurses sa bansa. Ayon sa isang grupo, sinabi nila na ang mga registered nurses dito sa bansa ay maliit ang kinikita kumpara sa mga nurses sa Southeast Asian Region.
Nitong huwebes, sinabi ni Roque na hindi siya sigurado kung
tama ba ang impormasyon na ito dahil dinagdagan na ng gobyerno ang benepisyo ng
mga health workers sa bansa. Ito ay sa ilalim ng Bayanihan To Recover As One
(Bayanihan 2) Act.
Sinabi ng spokesperson, “Binigyan natin ng karagdagang
allowance ang mga frontliners natin. Binigyan din natin sila ng libreng board
at libreng life insurance. Meron din po silang libreng mga tests.”
Dagdag pa ni Roque, “Sa tingin ko maganda naman yung package
na binibigay natin ngayon sa mga frontliners.”
Matapos ngang maikumpara ng isang grupo ang sahod ng mga health
workers sa bansa kumpara sa ibang nurses sa ibang bansa sa Southest Asia, lumalabas
ang mga ekspiryensadong nurse o head nurses sa bansa ay kumikita ng mga nasa
P40,381 kada buwan, habang ang ibang bansa ay kumikita ng at least P63,000 at
pinakamalaki ang 236,000 kada buwan.
Sinabi ni Roque, “Pagdating po sa mga nurses sa gobyerno ang
solusyon po diyan ay siguro baguhin ang classification ng nurses sa salary
standardization law (SSL) nang mailagay ang mga frontliners natin sa mas mataas
na.” sinabi rin ni Roque na ngayon pa na maraming nurses na ang gustong umalis,
siguro naman daw ay magbibigay ng mas mataas na sahod ang mga pribadong
ospital.
Post a Comment