Thursday, September 24, 2020

Liza Soberano, Naghain Nang Criminal Complaint Laban Sa Isang Netizen Tungkol Sa "R*** Comment"

Photo from PEP.PH

Pormal nang naghain ng kasong criminal ang aktres na si Liza Soberano tungkol sa isang netizen na nagbitaw ng “rape remark” laban sa kanya.

 

Ngayon lamang Huwebes, September 24 ay nagtungo si Liza sa Quezon City Prosecutor’s Office kasama ang kanyang manager na si Ogie Diaz at kanyang abogado na si Atty. Jun Lim.

 

Ayon kay Atty. Jun Lim, ang komento ng netizen na “sarap ipa-rape” tungkol kay Liza ay isang malinaw na paglabag daw sa Section 4(c)(4) ng Republic Act No. 10175 o ang tinatawag na Cybercrime Prevention Act of 2012 na kaugnay ng sa Article 355 Revised Penal Code.

 

Nag-simula ang isyu na ito simula ng mag-post ang aktres tungkol sa serbisyo ng isang internet service provider at nag-viral naman din online.

 

Sa kumalat na screenshot ay nabanggit ng isang netizen na ito na telco employee ang “rape remark”.

 

“wala tayong magagawa, wala ng trabaho, kaya di bale ng masira ang image, magkapera lang. sarap ipa rape sa mga……. ewan!”


 

Marami namang netizens ang umalma dito at kasabay nito ay kinumbinsi ng mga fans si Liza na wag palampasin ito. Sa tweet naman ni Liza, “Don’t worry we won’t let this one pass. They know my address.”

 


Bgo naman matapos ang araw na iyon ay humingi ng tawad ang telco employee. Para sa kanya raw ay walang halong malisya ang kanyang kinomento at aminado na hindi maganda ang birong “rape”.

 

Ayon naman sa inilabas na pahayag ng Converge, tiniyak nila na hindi nila kukunsintihin ang wrongful comments at behavior ng empleyado lalo na at laban sa isang customer.

 


Sa pahayag ni Liza sinabi niyang, “I think it is about time that people learn the consequences of speaking like that on social media. I know that everybody is entitled to their own opinion, that is true, but at some point you have to be respectful to others online. I want people to learn the consequences to everything, like rape jokes, because that is not a light matter.”

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only