Tuesday, September 15, 2020

Janella Salvador: "I'm not allowed to jump." On Her Preggy Rumor



Kumakalat ang balita ngayon kay Janella Salvador na di umanoy buntis daw ang aktres. Kailan lang ng kumpirmahin nila ng kanyang boyfriend na si Markus Paterson ang kanilang relasyon. 

Isang video ang in-upload ni Markus kung saan sweet niyang sinasayaw si Janella. Ngunit isang comment naman ang nag-bigay ng palaisipan sa marami na di umanoy nakita daw si Janella sa St.Lukes Medical Center na nagpa-check up at kasama ang boyfriend na si Markus.

Sinabi sa comment na buntis daw ang aktres na si Janella at halata na daw ang baby bump nito. At dumagdag pa sa rumor ang isang netizen na nag-sabing kaya daw lumipad ang aktres papuntang UK kasama ang nobyo ay dahil duon na rin daw manganganak ito.

Samantalang isa pang nag-bigay ng hint sa mga netizen ay nang mag IG live si Markus matapos nga nilang aminin ang kanilang relasyon, maririnig sa isang momento na sinabi ni Janella na hindi  daw siya pwede tumalon “I almost jumped and that’s not good. I’m not allowed to jump.”


Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only