Wednesday, September 9, 2020

Ipinasilip na ng China sa Publiko ang Kanilang COVID-19 Vaccines

Photo from INQUIRER.net
Ipinakita na ng China sa publiko ang kanilang Covid-19 vaccine na malapit na nilang i-release at gamitin nitong taon. Ang Covid-19 vaccine na ito ay gawa ng SINOVAC na isang biopharmaceutical company. Ayon kay Liu Peicheng, Director of Public Relations, SINOVAC, natapos na nila ang phase one at phase two trials sa China, at papunta na sila sa phase three clinical trial abroad sa mga bansa ng Brazil at Indonesia. Natapos narin nila ang pagpapagawa ng vaccine factory sa isang biological base na matatagpuan sa Daxing, Beijing China. Ang nasabing factory na ito ay mayroong kapasidad na mag produce ng 300 million doses kada taon at nasa production na ang mga ito.

Photo from INQUIRER.net

Photo from INQUIRER.net

Nasa phase three na ng clinical trial ang China at umaasa sila na makukuha ang data ng effectiveness ng vaccine bago matapos ang taon na ito, para ma-submit na nila sa medical departments ng ibat-ibang bansa. Inaasahan ng China na ma-authorised na gamitin na ang vaccine bago matapos ang taon ng 2020. Ayon sa pahayag ni Yang Huichuan, Vice President of China National Biotec Group, pag nailabas na sa mercado ang nasabing vaccine uunahin nilang gamitin ito sa mga taong nasa high-risk at may close contact sa virus, base ito sa pangangailangan ng kanilang epidemic convention and control ng kanilang bansa. Pagaaralan din nila para madesisyunan ang malawakang population treatment dahil narin sa pangangailangan ng mga nasasakupan nila.

Photo from INQUIRER.net

Photo from INQUIRER.net

Photo from INQUIRER.net

Isinaad din ng China na marami ng request at order sa kanila galing sa ibat-ibang bansa, kasama na dito ang paggamit ng vaccine at clinical cooperation abroad. Ang kanilang phase three clinical trial ay tumatakbo na sa loob ng kalahating taon o anim na buwan simula ng bigyan ito ng authorization. At ngayon ay na developed ang antibody matapos ang treatment.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only