Friday, September 25, 2020

Comelec Ibinasura Ang Proposal Na Ipostpone Ang 2022 Elections

Photo from MB.COM.PH



Nireject o ibinasura ng The Commission on Elections (Comelec) ang proposal na ipostpone ang 2022 national elections dahil sa coronavirus pandemic.

 

Nitong Biyernes, September 25, sa isang interview kay Comelec spokesperson James Jimenez sinigurado nito ang publiko na hindi maaaring ipostpone ang 2022 elections.


Ayon sa sinabi ni spokesperson Jimenez, hindi daw nila gagawin ‘yun sa Comelec dahil malinaw daw ang mandato ng Comelec na mag-conduct ng election.

 

Dagdag pa niya, medyo ironic naman daw kung ang mismong Comelec pa ang magsasabi na huwag nang ituloy ang halalan. Ganun pa man, nag-iisip naman daw sila ng alternatibong paraan ng pagboto dahil sa patuloy na pagkalat at pagharap ng bansa sa COVID 19.

 

Ang 2022 elections daw ay constitutional mandate na dapat sundin at hindi naman kagaya ng eleksyon sa mga barangay o SK.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only