Tuesday, September 8, 2020

Anak ni Ina Raymundo na si Erika Rae, Agaw Pansin Ngayon sa Social Media


Dalagang-dalaga na talaga at napaka ganda pa ng anak ni Ina Raymundo. Si Erika Rae Poturnak ay panganay na anak nina Brian Poturnak at Ina Raymundo, ay kamakaylan lang ay pumirma ng kontrata sa Conerstone Entertainment na isang talent agency nitong September 3, 2020.

Si Erika Rae ang pinakamatanda sa limang magkakapatid. Meron syang isang kapatid na lalaki na si Jakob, at tatlong mga bata pang kapatid na mga babae na sina Anika, Mikaela, at Minka. Graduate ng High school ngayong 2020 si Erika Rae at ginanap ang kanyang graduation ceremony online dahil nga sa nagaganap na pandemic sa buong mundo. At sa kabila nga ng mga nangyayari ay naging positibo parin si Erika rae at tinapos ang kanyang pag-aaral sa High school.


Unang umagaw ng pansin si Erika Rae sa mundo ng Showbiz ng mai-upload sa YouTube ang video ng kanyang debut. Dahil imbes na traditional theme ng debut ay ginawa nya itong club themed party. Dito nga napansin ng mga netizen ang kagandahan ng dalaga at ang pagkakahawig talaga nito sa kanyang ina.


Inihayag din ng kanyang mommy na si Ina Raymundo na talented ang kanyang anak at marunong eto kumanta. Hiling ni Ina Raymundo na ipasa sa kanyang anak na si Erika Rae ang korona bilang “Sabado Nights Girl,” "Na parang nasa bar kami 'tapos siya yung papasok, 'tapos magmi-meet kami as mom and daughter, may date kami. Ayaw kong mag-preempt, pero I’m such a daydreamer. So, that’s one of my daydreams na sa kanya malilipat yung title," pahayag ni Ina Raymundo para sa anak. Matatandaang ginampanan ni Ina Raymundo ang title na ito sa isang commercial ng beer noong 90’s.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only