Nasanay na ang mga Pinoy na taga-suporta ng ABS-CBN at kanilang mga artista sa station ID na ginagawa ng TV network tuwing magpa-pasko.
Bukod sa inaabangan ang mga naglalakihang artista na nag-sasama
sama para sa staion ID, ay talaga naman ding pumapatok at tumatatak sa mga pinoy
ang mga kanta o Christmas song ng ABS-CBN.
Ngunit ng ipasara ang network, ilan sa mga netizen ang
nag-tweet din tungkol sa hindi na nila mapapanuod o maririnig ang pamaskong handog
na station ID ng network.
Ganun pa man, sinasabing kung akala natin ay tapos na ang
tradisyon ng Kapamilya network tuwing kapaskuhan dahil sa pag-sara at pagkawala
ng prangkisa nito, mukhang nagkakamali ang mga tao.
Ang mismong ABS-CBN CCM creative manager na si Kathrina Sanchez na ang nag-tweet ng tungkol sa station ID ng network.
Sa kanyang tweet nilagay niya ang "#ABSCBNChristmasStationID Game?
Kaya naman mukang may aabangan pa rin ang mga taga-suporta ng network
sa tradisyon tuwing pasko na hinahandog nila para sakanilang mga viewers.
Post a Comment