Saturday, August 15, 2020

Silipin ang Nag-Gagandahang mga Mansion nina Manny at Jinkee Pacquiao

Ang napakagandang tahanan nina Manny at Jinkee Pacquiao sa ritzy Forbes Park ay binibenta na ngayon sa merkado. Ang bahay ng mag asawang Pacquiao ay nasa list ngayon ng Presello.com, isang real-estate firm na kilala sa pagbebenta ng multi-million na mga mansion sa Metro Manila. Nakasaad sa website na ang Pacquiao mansion ay binebenta sa halagang PHP1.5 billion.
Ang mansion ay merong apat na car garage na may buong sukat na 2,000 square meter lot. Limang bedrooms at pitong banyo na may sukat na 1,525 square meters. 
Kahit hindi nakasaad sa website na sina Manny at Jinkee Pacquioa ang may-ari ng mansion, mapapansin sa mga larawan na sa mag-asawa ang mansion na eto. Tulad ng mga frame na nakalagay sa isang corridor na si Manny Pacquiao na suot ang kanyang boxing short at merong bandila ng bansa sa kanyang likod.
Ang mansion dati ay nagkakahalaga ng PHP708 million. Matatandaan dati sa isang interview kay Manny Pacquioa noong 2014 na “Isa lamang syang simpleng tao, at hindi nya eto babaguhin”. Isinaad nya rin na “Ang bisita ko, iba-iba. Nakakahiya naman sa mga kapitbahay ko na may mga bisita akong naka tsinelas”. “Baka nakakaistorbo ako, syempre sikat na sikat na subdivision yun”. “Ako naman kasi wala akong pinipili na bisita. Ayoko naman na iba yung pagkatao ko”. Kahit marating ko na ako yung pinakamayamang tao sa buong mundo, para parin ako sa mahihirap”.
Ang nasabing mansion ay dating pagmamay-ari ni Banker Lorenzo tan, ay dinisenyo ni Anton R. Mendoza – ang nasa likod ng People’s Palace, at Two Roxas Triangle.


LOS ANGELES VILLA
Bugod sa Forbes Park mansion ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquioa, napag desisyunan narin ng mag-asawa na ibenta ang kanilang two-story na bahay sa Hancock Park, Los Angeles, California. Ang bahay naman na eto ay naka post sa realtor.com, na nagkakahalaga naman ng USD3,533,500 o nasa PHP172,116,785. Binili ni Manny at Jinkee Pacquiao ang bahay noong March 2008 na nagkakahalagang USD2.3 million o PHP112,045,650. Ang bahay na eto na may disenyong pang Spanish, ay merong tatlong master’s bedroom at dalawang junior suites para sa mga bata. Meron din syang malaking living room, dining at kitchen area at swimming pool.
Ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ay mayroon ding dalawang bahay sa Genral Santos City, isang beach resort sa Sarangani province, at isa pang mansion sa Laguna.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only