Nito lamang Martes sa kanyang televised public address, nakiusap ang Presidente Rodrigo Duterte kay Vice-President Leni Robredo na wag ng dumagdag pa sa pag-sira ng gobyerno. Sinabi ng Presidente,
“Ito namang kay Leni in her ending statement said kung hindi
ko raw gawin, ng gobyerno, gagawin ng tao. Well sa panahon ng pandemic, medyo
desperado ang mga tao tapos dagdagan ninyo ng mga ganun. Wala naman kayo base,
sana may ipakita kayo.”
Dagdag pa niya, “Please do not add fuel to the fire. You
will just destroy the government. Huwag ninyo sirain ang gobyerno kasi masisira
ang tao. Pag nasira ang gobyerno lulutang tayong lahat.”
“Maski sabihin ninyo mamatay ako bukas, it cannot solve the
problem of the country.” Ito ang sinabi ng Presidente matapos magbigay ng
pahayag ni Vice-Presidente Leni tungkol sa poor government leadership lalo
ngayon pandemiya.
Sinabi ni Vice-Presidente na kailangan magkaroon ng klarong
plano ang gobyerno tungkol sa health emergency na kinakaharap ng bansa. Halos
190,000 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa at patuloy naman ang pag-luwang ng
lockdown upang makabalik ang mga tao sa kanilang trabaho at maisalba ang
ekonomiya.
Post a Comment