Sinabi ng China na pwedeng gamitin ang experimental coronavirus vaccine nuong July. Ayon
sa Chinese health official, ang experimental vaccine ay nasa pangangalaga ng
high-risk groups kagaya ng health workers at border officials. Sinabi ni Zheng
Zhongwei, head ng National Health Commission’s science and technology center, na
ang emergency use ng vaccine ay regulated at monitored.
Samantala, ang bansang
Russia naman ay nag-anunsiyo rin na ito ang world’s first coronavirus vaccine at
may plano rin na bahagian ng supply ang Pilipinas.
Sinabi ng Presidente, “Ginagawa namin lahat, hintayin na
lang natin iyong bakuna. Mayroon medisina galing Japan, pati itong Remdesivir
pati Avigan ito iyong pang ano lang panglaban sa kung ano pa, ito yung sa lagnat.”
Dagdag pa niya, “Ang gamot iyong vaccine, ang vaccine ay gawa sa katawan ng
tao. Malapit na iyan, Russia, China.”
Ang Russia at China ay nag-anunsiyo tungkol sa kagustuhan
nilang tumulong sa bansa na makapag supply ng vaccine. “They are willing to
help, both countries have- lumabas ng statement that tulungan nila ako.” ayon sa
Presidente.
Aminado naman ang Pangulo na hindi pa malinaw kung ang supply
ng vaccine ay libre ba o hindi. Ngunit kung sakaling hindi ito libre, sinabi
niya na mag-hahanap raw ng pondo ang gobyerno para sa bakuna.
Kapag naman ang
supply ay available na, sinabi niyang gusto niyang bigyan ng bakuna ang poorest
of the poor, mga pulis at sundalo, at mga middle income o class na pamilya.
Post a Comment