Tuesday, August 25, 2020

Pauleen Luna, Nagbigay Ng Saloobin Tungkol Sa Pang-babash Sa Anak



Nagbigay ng opinyon si Pauleen Luna tungkol sa isyu ng magulang na may anak na biktima ng online bashing o pang-babash. Sa isang virtual presscon ng “Chicka, Besh” ang bagong morning talk show nila ni Pokwang at Ria Atayde sa TV5, isa ito sa tinanong kay Pauleen, “Ang hirap pag nanay tapos anak. It’s one thing to say your opinion which is totally fine, but it’s another thing to bash an innocent child,” yan ang saad ni Pauleen.

Dagdag pa niya, “Pero there also some people who support me na ‘sige lang ipaglaban mo yan dahil anak mo yan.’

“Pero there are also some people na naririnig ko na sinasabi ‘Huwag mong i-expose yung anak mo kung ayaw mong makarinig ka ng hindi masyadong magagandang bagay.’ Nuong nakaraang linggo ay mayroong nang-bash sa kanyang anak na si Tali, ang two-year old daughter na anak nila ni Vic Sotto. Umalma dito si Pauleen at diretsahan niyang pinadalhan ng message ang basher. Sa screenshot na kumalat sa social media, sinabi dito ni Pauleen na puwede niyang idemanda ang basher dahil sa pang-bubully nito sa isang minor de edad.




Nag-sorry naman ang basher sa pamilya ni Pauleen, sa mga taga-hanga ng Sotto at sa mga magulang na nasaktan niya dahil sa isyu. Ngunit kahit ganun, naniniwala pa rin si Pauleen na walang dahilan para ipagkait sa publiko ang saying binibigay ni Tali sakanilang buhay ng asawang si Vic.

Sabi pa niya, “But for me, sharing Tali with people gives me and gives them so much joy, and I think mas nangingibabaw yon than the bad and not so good comments. Because at the end of the day, why do I share my daughter? It’s because I’m proud of her. Not for anything else pero proud na proud lang ako sa anak ko. She’s my daughter she’ll always be perfect to me, she’ll always be beautiful to me.”


Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only