Thursday, August 6, 2020

Mga Kilalang Artista Nagbigay Pugay Sa Mga Medical Frontliners

Nakakaiyak ang video na ginawa ng mga initiative member ng Aktor (League of Filipino Actors), kasama ang ilan sa mga malalaking pangalan sa industriya mula sa iba’t ibang TV networks. Ito ay bilang pagpapasalamat sa mga medical frontliners.

Nitong Agosto 5, Miyerkules ng 6:24 PM ng iupload nila ang video na ito sa Facebook page ng Aktor.
Humingi ng patawad, nagpasalamat at nangako ang mga artista na kanilang mas papahalagahan pa ang tinig at saloobin ng mga healthworkers o medical frontliners.
Ang pagsama-sama ng mga artista na ito ay nagbigay ng napaka-gandang mensahe at encouragement sa ating mga frontliners. Ilan sa mga artistang nanguna sa video na ito ay sina  Piolo Pascual, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Angel Locsin, Jodi Sta. Maria, Sunshine Dizon, Angelica Panganiban at Anne Curtis.
Kasama rin dito sila Iza Calzado, Cherry Pie Picache, Joel Torre, Angel Aquino, Agot Isidro, Angeli Bayani, Joel Saracho, Janine Gutierrez at Jackie Lou Blanco.
Makikita rin sa video sina Gabbi Garcia, Kahlil Ramos, Chynna Ortaleza, Kean Cipriano, Ria Atayde, John “Sweet” Lapus, Meryll Soriano. Gayundin sina Joem Basco, Mylene Dizon at iba pa.


Narito ang kabuuan ng video:


Malinaw at payak ang mensahe ng video na ito ng mga artista sa ating mga medical frontliners. Sinabi pa sa isang bahagi ng video na babawi pa sila sa mga healthworkers.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only