Tuesday, August 18, 2020

Lovely Abella, Inamin ang Pagkakaroon Niya Ng COVID-19

 

Inamin ng Kapuso comedienne na si Lovely Abella na nagka-COVID 19 siya. Ngunit hindi niya ito in-announce sa kahit anong kanyang social media account.  Nang tanungin si Lovely sa isang virtual presscon ng Kapuso gag show na Bubble Gang nitong nakaraang Lunes, August 17.

“Naging asymptomatic po ako, COVID po,” pag-amin ng comedienne na si Lovely.

Sinabi niya na may plano naman daw talaga siyang sabihin ito, ngunit itinago niya muna noon dahil mayroon daw siyang online business.

“Nag-ingat lang po kasi ako, kasi may paninda ako, may Lovely Cosmetics ako kaya hindi po namin nilabas. Pero I made sure po na nakatago ako na naka-isolate ako, and si Benj po lahat gumagawa nun, kaya tumigil din po ako sa online selling,” ang sabi ni Lovely.

Ang aktor na si Benj Manalo na anak ni Jose Manalo, ang boyfriend ni Lovely. Dagdag pang kwinento ni Lovely, “Sa rapid test po, may two lines, na ibig sabihin po, before, nagkaroon po ako ng virus. Pero ngayon, wala na akong virus sa katawan ko. Pero dahil po ang kasambahay po namin, nagkaroon po siya ng symptoms, which is nawalan po siya ng pang-amoy at panlasa ng pagkain, in-isolate po namin siya.”


“Kinabukasan po, pina-swab test ko po siya na magkasama kami ni BenJ para makampante ako. Ako po yung nag-positive, sila po, negative.” Samantalang nilinaw naman niya na sinunod niya talaga ang 2 weeks self quarantine, ngunit hindi daw talaga naging madali ang pinagdaanan niya. Mabuti na lang raw at nandiyan ang boyfriend na si Benj na talagang umalalay sa kanya sa kabila ng mga pinagdadaanan niya.  Kaya naman masaya daw siya ngayon dahil nalampasan niya ang punto sa buhay niya na talagang na-depress siya.

Kwento pa niya, wala raw siyang ginawa kundi ang umiyak, dahil natatakot siya para sa kanya rin mga anak dahil nga asymptomatic siya. Hindi niya raw alam kung paano ma-prevent para hindi mahawaan ang miyembro ng kanyang pamilya. Naka-isolate si Lovely ng 2 weeks at ngayon ay tapos na siya sa kanyang self quarantine, tinanong niya raw ang kanyang doctor kung kailangan pa daw ba niyang dumaan sa swab test ulit. Sagot naman daw ng kanyang doctor ay basta wala raw siyang symptoms.

“Ngayon tapos na po ako sa isolation ko, okay naman po si Benj, wala naman pong problema. Nag iingat na rin po kami. Dini-disinfect lahat  ng pumapasok sa bahay. May mga UV light po kami. May mga air purifier lahat. Kaya okay na po ako ngayon.

Sa ngayon ay bahagi si Lovely ng bagong episodes ng Bubble Gang na magbabalik at mapapanood na sa August 21.


Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only