Friday, August 21, 2020

Espesyal Na Lalaki sa Buhay Ni Kim Domingo, Pumanaw na.

Labis ang sakit na nararamdaman at nag-luluksa ngayon si Kim Domingo matapos pumanaw ng kanyang Bestfriend na si Zacharael Gelzz. Nag-post ang Kapuso actress sa kanyang facebook account at duon nilahad ang sakit na nararamdaman.

Si Zach ay namatay dahil sa lung disease. Sa post ni Kim, sinabi niya na hindi raw minsan sumagi sa isip niya ang mga nangyari na ito, dahil para sa kanya daw ay masyado pang maaga.
Binalikan ni Kim ang mga ala-ala kasama ang matalik na kaibigan at ikwinento din ang istorya ng kanilang sampung tao na pag-kakaibigan.

Sa bawat picture na ipost ni Kim ay mayroon siyang caption dito, at makikita kung gaano talaga katagal ang kanilang pinag-samahan. Sinabi pa ni Kim na may nararamdaman din siyang saya dahil hindi na mahihirapan pa ang kaibigan dahil napasakit sa loob niya na makita ang pag-hihirap ng kanyang bestfriend.

Samantalang marami naman ang nakiramay at nagbigay kay mensahe kay Kim, lalo na ang kanyang mga taga-hanga.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only