Sunday, August 16, 2020

Kilalang Politiko, Magkakaroon ng isang Game Show sa TV5

Photo from PEP.PH
Nagkaroon noon ng balita at tanong na kung idadaan pa raw ba sa MalacaƱang ang pagpapaalam ng mga artista na kukunin sa shows ng TV5? Ngunit ng makausap naman ang ilang mga executives ng Kapatid network, sinabi nilang wala naman daw ganoon na patakaran. Pero hindi lang daw nila alam kung may ganoon nga bang courtesy sa ibang blocktimers.

Malinaw na hindi galing ang balitang iyon sa mismong network. Kasabay pa nito, nabalitaan din na magkakaroon ng bagong programa ang isang high-profile na politiko, sikat ito at mabango ngayon ang kanyang pangalan sa mga tao, lalo sa kanyang mga nasasakupan.

Isang game show daw di umano ang gagawin niya kasama ang isang komedyanteng babae na friendly din sa administrasyon. Balitang may go signal na din daw ng mga kinauukulan ang paggawa ng show ng political figure na ito.
Hindi pa natin ito nakikita sa telebisyon bilang isang host, ngunit siya ay nanggaling na rin sa showbiz, kaya hindi nakakapag-taka kung gumawa man siya ng proyekto. Mahulaan niyo kaya kung sino siya?

Lodi ang politician na ito ng madla, matutuwa at magbubunyi ang mga batang tondo kung sakali mang gawin ng politician na ito ang programa. Exciting ito kahit hindi pa man niya nasusubukan ang hosting sa isang game show. Ngunit malay natin, baka magbigay siya ng kakaibang style ng paghu-host at magdulot ng kakaibang entertainment sa mga manunuod.
Kung hindi niyo pa mahulaan ang lodi na ito, mamang lespu, tolongges ka, etneb etneb. Ewan ko na lang. Kilala din na generous ang political figure na ito lalo pa at magagandang proyekto rin ang ginagawa niya ngayon sa kanyang lungsod.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only