Wednesday, August 19, 2020

Guy transformed girlfriend's entertainment room to enchanted forest for his proposal.


 Mukha mang imposible ngayon ang mag-sagawa ng mga engrandeng okasyon dahil sa pandemiya, ginawa pa rin itong posible ni Justin Cheng, isang binata na nag-propose sa kanyang girlfriend. Ito ay sa tulong na rin ng event stylist na si Kyno Kho. Nakaisip pa rin ang binata na makapag-propose in a romantic and a fairytale feels way sa kanyang nobya na si Katrina Sia.

Ang original na plano ni Justin ay mag-set up sa isang semi-abandoned rooftop garden ng kanyang kaibigan, ngunit dahil nga sa mga safety measures and protocols, kinailangan niya ito ikansela. Si Justin at ang katulong nitong si Kyno na event stylist ay nag-desisiyon na lang na gawin ito sa bahay mismo ng kanyang nobya na si Katrina.

Ang kinalabasan ng kanilang plano ay ang entertainment room ni Katrina sa kanilang bahay ay nag-mistulang mala- enchanted forest.

Naging mahirap daw sakanila na gawin ito dahil lagi lamang daw nasa bahay si Katrina. Buti na lamang na nagkaroon sila ng pagkakataon na makita ang lugar kung saan sila mag-aayos, dalawang linggo bago ang big day.

Sumunod ay naghanap na sila ng mga materials na gagamitin para sakanilang set-up. Since limitado lamang daw ang kanilang preparasyon sa entertainment room nila Katrina, ginawa na daw nila ayusin ang bulaklak sa warehouse una pa lang. At nakakapag-ayos o set up lamang sila sa kwarto sa mga oras na tulog ang nobya.

Ayon sakanila, inabot daw sila ng 10 hours para ma-transform ang entertainment room sa isang mala-enchanted forest. Gumamit sila ng mga iba’t ibang elements para maachieve ang natural look ng kwarto.

Ang dilemma ni Justin ay kung paano niya mako-convince si Kat na ayain lumabas at pumunta sa rooftop garden, ngunit binigyan siya ng ideya ng kanyang nakuhang event stylist.

Ayon sa kanila, “If venue and styling is the only reason holding you back to push through with an intimate wedding, have you considered doing it at the comforts of your home?"

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only