Friday, August 21, 2020

Darna ni Jane De Leon, Hindi na Matutuloy


Ayon kay direk Jerrold Tarog na syang director dapat ng “Darna” ni Jane de Leon, ang nasabing pelikula ay hindi na matutuloy. Nanggaling narin ito sa isang pahayag ng Star Cinema dahil nga sa sobrang laki na raw ang nagastos dito. Balitang aabot na sa 140 million pesos na ang nagamit sa budget at kakailanganin pa ng additional na 100 million para matapos ang nasabing proyekto. Sa madaling salita aabot ang gastos ng 240 million pesos, at mukhang imposibleng mabawi pa. Dahil dito, kahit nasayang na ang 140 million pesos sa nasabing pelikula at hindi na nga ito itutuloy pa.



Nanggaling sa isang source na pinaghandaan pa naman ni direk Jerrold Tarog ang “Darna,” naplano na at well-organized at systematic na lahat. Naka lock na lahat ng locations kung saan sila magsu-shooting. Sa isang interview natanung si direk Jerrold Tarog kung naghihinayang ba sya na hindi na matutuloy ang pelikulang “Darna,” walang ibang sagot ang director kundi “Syempre.” Lalo na daw ang buong team dahil pinaghandaan talaga nila ang pelikulang ito. Lugi na talaga ang Star Cinema dahil naka lock in din daw ang buong team, dahil kahit hindi pa nasisimulan ang shooting ay may sahod na sila.




Hindi pala pinayagan ang mga staff na tumanggap ng ibang proyekto para maka-focus at makapag concentrate sila sa “Darna.” Tapos nga ay dumating itong virus na COVID-19 na nag pandemic at marami ang naapektuhan. Walang shooting na  naganap o nangyari, kaya nag desisyon ang Star Cinema na hind na ituloy ang nasabing proyekto o pelikula. Nawalan narin ng sahod ang mga staff na kasama dapat sa proyektong “Darna.”

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only