Thursday, August 13, 2020

Daniel Padilla, Ipinag-malaki sa Facebook Live ang Girlfriend na si Kathryn Bernardo


Labis ang kilig ng mga taga-hanga ng makita nila kung gaano ipagmalaki ni Daniel Padilla ang girlfriend na si Kathryn Bernardo.
Sa isang bihirang pagkakataon ay sumalang si Daniel sa Facebook Live kasama ang mga kaibigan niyang sina Khalil Ramos at Patrick Sugui mga bandang alas tres ng madaling araw ng Huwebes, August 13. Sila ay nasa kani-kanilang mga lugar. Mapapansin na si Daniel ay nasa loob ng kanyang sports car at may iniinom, habang si Khalil ay may background na parang computer shop at si Patrick naman ay nasa loob ng kuwarto.
Bukambibig ni Daniel si Kathryn sa kanilang usapan.
“Si Kathryn ayaw bang sumali dito? Tawagin niyo na si Kathryn or i-flood niyo na lang si Kathryn sabihin niyo sali siya sa ano…”
Pilit na hinahanap ni Daniel si Kathryn sa kanilang live at hiling niya na sumali ito sa kanilang kuwentuhan.
Sabi ng binata “Anyway, ano na? Please balitaan niyo ako tungkol kay Kathryn. Asn na siya? Gusto ko siyang makausap dito.”
Pinagmalaki naman niya ang kanyang girlfriend at sinabing, “Kahit walang ayos ‘yon, napakaganda ng babaeng yon. Hindi niya kailangan mag-ayos.
May isang punto pa ng kanilang video na sinabi ni Patrick na baka tulog na raw si Kathryn, sagot naman ni Daniel, “Baka may ginagawa. Di ko matawagan kasi gamit ko telepono ko. Paano kaya mayayari ako.”
Maya maya lang ay nagkuwento naman ang binata tungkol sa pagkabilib niya sa nobyang si Kathryn dahil sa bilis daw nito matutong mag-piano.
“Si Kathryn nagpa-piano siya. Nagpa-piano si Kathryn ngayon. Galing niya!” yan ang sinabi ni Daniel. Dagdag pa ng actor, “Ako tumutugtog ako, di ba? Si Kathryn natuto sya sa cellphone, may app. Ang hirap nun ah! Well, may ganun talagang utak eh, she’s a genius sa sarili niyang paraan.”
Tinukso naman ni Patrick si Daniel at sinabing, E, di in love na in love ka na naman!” Habang ang birong sagot naman ni Daniel, “In love ako, ewan ko o baka nagpapasikat lang siya.”
Very casual lang ang pag-uusap ng mag-kakaibigan habang nagpag-uusapan din ang kanilang mga nobya. Si Khalil Ramos ay nobyo ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia at si Patrick ay girlfriend ang isang streamer na si Aerial Garcia. May nabanggit kasi si Patrick tungkol sa kanyang nobya na tutulungan niya umano mag-shoot ngayong araw, habang humirit naman ng sagot si Daniel ng kanilang experience ni Kathryn sa pag-shoot ng video. “Grabe ‘no, ganun na talaga, e. Ako minsan nagagalit siya sakin wala ako sa mood, pero di ko masyadong… alam mo ‘yon? Sorry. Asan na ba si Kathryn  kasi kami dapat nag-uusap ng ganito.” sabi ng binata.
Nagpatawa pa siya at sinabing para lang daw siyang nagkukuwento ng kanyang love story sa sa sikat na DJ na si Papa Jack. Sinabi rin ni Daniel na idolo niya si Papa Jack.
Nagtrending naman ang kanilang Facebook Live na ito sa Facebook at Twitter matapos itong Makita ng kanilang mga fans.




Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only