Wednesday, August 5, 2020

70% Ng Bagong Bilang Ng Kaso Ng Covid-19, Nanggaling Sa Metro Manila. Ang Total Bilang ay...

Photo from Google

Pumalo na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa bilang na 115,980 matapos i-report ng Department of Health [DOH] ang 3,462 na bagong kaso ngayong araw Miyerkules, August 5. Naitala ngayon dito ang 9 na malulubha ang kalagayan at ang death toll ay nasa 2,123 na.  Sa data ng DOH ipinakita nila na ang 70% o ang 2,434 na bagong kaso ay mula o nang-galing sa Metro Manila.
Habang padami ng padami ang kaso, ang Metro Manila ay nanatiling GCQ [general community quarantine] sa unang 3 araw ng Agosto. Hangang sa nito lamang Martes, August 4 ay idineklara ng Presidente Rodrigo Duterte na isailalim muli ang NCR sa MECQ [modified enhanced community quarantine]. Ito ay matapos din mag-sagawa ng distressed call ang Philippine medical community o ang ating mga frontliners. Gusto lamang nila na pahigpitin muna ang mga paglabas ng mga tao dahil na rin sa palobong bilang ng mga positibo.

Samantalang itinataya namang aabot pa sa 150,000 ang kaso sa katapusan nitong buwan ng Agosto kahit pa nakasailalam na sa MECQ.
Nag-labas naman ng memorandum ngayong araw ang Department of Transportation tungkol sa pag-rerequire na pagsuot ng face shields sa mga pampublikong transportasyon at lugar na mag-sisimula sa August 15, 2020.
Photo from Google

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only