Thursday, July 30, 2020

Vlogger Na Walang Ginawa sa Video, Pumalo Na Ng Higit 1M Views


Malamang ang karamihan sa mga vlogger ngayon ay busy sa kakaisip ng mga gagawing content nila para sa kanilang Youtube Channel, ang iba ay mga prank, life update, skincare routine, house tour, cooking, make-up tutorial, a-day-in-my-life and etc. Ito ay sa kadahilanang hindi rin sila makapag-vlog ng kanilang travel or tour na vlog dahil sa pandemic.

Lahat na yata ng pwede nila i-document ay gagawin nila upang may ma-upload sa kanilang channel at may maibahagi sakanilang mga subcribers. Ngunit ibahin niyo ang vlogger at comedian na si Russel Peters, sa kanyang Youtube channel na Sobat Miskin Official, nag-upload lamang siya ng kanyang video na hindi mo aasahan na gagawin ng isang vlogger. Ito ay dahil wala siyang ginawa sa buong oras at nakatingin lang ng diretso sa kanyang camera, habang siya ay nakaupo sa isang kwarto at nakasuot ng black t-shirt. Ang video niya ay tumagal ng halos 2 hours and 20 minutes. 




Sa umpisa ay iisipin mo na baka mayroon pa siyang pwedeng gawin sa kanyang video, ngunit nakaupo lang talaga ang lalaking ito at kikilos lamang ng pakonti-konti.

Sino ang mag-aakala na ang video na ito ay pumalo na sa ngayon ng 1.6M views. May nakakagulat ba sa pag-gawa ng wala? Samantala, hindi naman halos lubos maisip ng ibang mga vlogger o content creator ito at isa-isa rin silang nagbigay ng kanilang mga reaction video about sa vlog at vlogger na ito.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only