Thursday, July 16, 2020

Regine Velasquez - Inaatake ng Lungkot at Nanghihina Dahil sa Pagsasara ng ABS-CBN

Diretsong inamin ng Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez na mas tumitindi na ang pag-aalala nya sa estado ng kanilang trabaho sa ABS-CBN. Hindi lang daw eto para sa kanya o sa mga kapwa artista at mga empleyado ng network, pati narin sa lahat ng mga manggagawa sa likod at harap ng kamera. Ayon kay Regine, tulad ng mahigit 11,000 na empleyado iniisip din nya kung hanggang kelan pa sila may trabaho.
Sa pamamagitan ng social media na twitter, inilabas nya ang kanyang pangamba ngayong tuluyan nang ipinasara ang ABS-CBN Kapamilya Network. “Habang tumatagal aaminin ko, napanghihinaan na ako ng loob. Hindi ko alam kung may trabaho pa kaming lahat”. Mensahe ng singer actress sa kanyang Twitter account. Dagdag pa ni Regine “Ang nakakalungkot parang ikinatuwa pa ng mga taong dapat ay nagtatanggol sa ating Karapatan. Bakit ganito? Sana panaginip lang lahat ng ito”. Eto ang tweet ni Regine Velasquez sa kanyang Twitter account na agad namang binura ng singer actress.
Pinaniniwalan ng mga netizen na ang tinutukoy ni Regine sa kanyang tweet sa Twitter na dapat na nagtatanggol sa ating Karapatan, ay ang 70 na mga kongresista na pumabor sa hindi pag renew ng prangkisa ng ABS-CBN network. Opisyal na lumipat si Regine Velasquez sa ABS-CBN Kapamilya Network noong October 2018. Eto ay makalipas ng halos 20 years bilang GMA 7 Kapuso. Naging main stay si Regine sa Sunday Musical Variety Show na “ASAP Natin To!” sa ABS-CBN. Sa Kapamilya network din nagtratrabaho ang asawa ni Regine na si Ogie Alcasid simula pa nung 2016. Si Ogie naman ay isa sa mga hurado sa Tawag ng Tanghalan na isang segment sa noon time show na “It’s Showtime”.

  1. Akala ko inaatake ng hika. Dahil sa kaka sigaw kung kumanta. Xenxa na Ganon talaga ang labanan weder weder Lang move on na Lang kayong mag asawa. Invest niyo na Lang mga Pera niyo sa bank kikita PA ng malaking interest

    ReplyDelete

Whatsapp Button works on Mobile Device only