Wednesday, July 29, 2020

"I’m Not Bragging for Anything na Meron Kaming Ganito" - Jinkee Pacquiao


Nito lamang nakaraan ay nag upload si Jinkee Pacquiao ng vlog sa kanyang youtube channel, na nag tour sa kanilang private resort sa Saranggani Province. Sinabi ni Jinkee sa kanyang mga follower, “I’m not bragging for anything na meron kaming ganito, request niyo naman ito, so i-tour ko kayo dito.




Ayon kay Jinkee, itinayo ang kanilang private beach resort, 7 years ago sa Barangay Taluya, Glan, Saranggani Province. Masayang ipinakita ni Jinkee ang kanilang first private resort na para sa buong pamilya. Sinabi ni Jinkee na may dalawang villas ang resort, isa ang para sa pamilya niya at isa ay para sa pamilya o angkan naman ni Manny.


Nilibot niya ang mga kwarto ng villas at nanduon din ang kanilang mga kaanak. Ipinakita niya rin ang kanyang mga picture na naka-frame at nakasabit sa mga walls. Sa 21-minute-long-video ni Jinkee ay ipinakita niya rin ang isang patio na malapit sa dagat kung saan sila mismo kumakain kapag may mga gatherings at nag ba-bible study or worship. Natutuwa din siyang ibinagi ang kanyang garden.




Samantalang nitong nakaraan lang ay naging laman si Jinkee ng mga headlines, ito ay matapos niyang mag post sa Instagram ng kanilang branded na bisikleta ni Manny. Nag-react naman dito ang singer-actress na si Agot Isidro at sinabing insensitibo ang post na iyon ni Jinkee, dahil marami ang nakakaranas ngayon ng hirap dahil sa pandemia.





Nahati naman dito ang opinion ng mga tao, ang iba ay sumang-ayon kay Agot at may mga nang bash naman sa kanya at sinabing “inggit lang siya”. Nanindigan naman si Agot sa kanyang reaksyon na kulang sa “sensitivity” ang post ni Jinkee. Wala namang sagot dito si Jinkee pero may post siya na isang Bible passage na “Do Not Judge Others.”





Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only