Thursday, July 30, 2020

Jessy Mendiola Kumpirmadong Gagawa ng Show sa Isang Network



Kumpirmado na ang gagawing proyekto o programa ni Jessy Mendiola sa TV5 network. Ang Kapamilya actress simula 2007 ay tatawid na, at siya ang inyong magiging “new fitness bestie” sa Kapatid network na ang title ay “Fit For Life”, ito ay mag-sisimula ng umere sa August 16, 2020. Mapapanuod din ito sa isang cable channel na Colours.
Nitong nakaraan ay nag-post si Jessy sa kanyang Instagram account ng teaser at may caption ito na, “Besties! Know more about different excercises, healthy recipes and inspiring stories from our celebrity guests! Join me on this exciting journey and let’s get healthy together in my new lifestyle/fitness show, FIT FOR LIFE!”
“Premieres Aug 16 (Sun) 7AM on TV5 @tv5manila and Aug 17 (Mon) 7PM on Colours (Cignal Channel 202 HD and 60 SD)!”

July 4 nuon ng mapabalita na si Jessy ay possible ngang gumawa ng isang show sa Kapatid network. At ngayon ay naisa-katuparan na nga ito.

Si Jessy ay isang Kapamilya o Star Magic talent simula pa nuong 2007. Ilan sa mga ginampanan niya ay ang Star Magic youth-oriented program na “Abt Ur Luv” sa ikalawang season nito, “Maria Mercedes” nuong 2013 kung saan siya ang lead role, at ang huli ay “Sandugo” nitong huling 2019 kung saan gumanap siyang ex-girlfriend ni Ejay Falcon at huling umere nito lamang taon ng Marso.

Napabalita nuong umpisa ng taong 2019 ang usap-usapan na lilipat daw si Jessy sa Kapuso Network pagkatapos niyang umalis sa Star Magic. Kinumpirma naman ni Jessy ito at sinabing hindi ito matutuloy dahil nga sa ibinigay na proyekto sa kanya ng ABS-CBN na Sandugo.


Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only