Tuesday, July 28, 2020

Janella Salvador - Nagmaldita Diumano sa Inalok ng TV5 na Programa sa Kanya


Isa sana ang aktres na si Janella Salvador sa magiging cast ng bagong show sa TV5, ngunit hindi na ito matutuloy dahil umano sa inasal daw ng aktres. Ayon sa report ng isang beteranang kolumnista nagpakita daw ng ugali si Janella ng may isang tumawag sa kanya na may say daw sa gagawing programa. Kaya ang siguradong trabahao na sana ay nakawala pa.



Ngunit pinabulaanan naman ito ng talent manager ni Janella na si Manny Valera, sinabi niya na ang kontrata daw ni Janella ay sa kanya lang mismo at hindi sa ABSCBN o sa Star Magic. Nabanggit din niya na ang offer ng TV5 ay isang talk show na kasama si Pokwang. Nagpasalamat naman daw sila sa inalok na programa ngunit sila na mismo ang nag desisyon na wag muna itong tanggapin.




Ani ni Manny, “Since fresh na fresh pa yung issue ng non-renewal ng ABS-CBN franchise. We didn’t want it to appear na we’re such in a hurry to leave the Kapamilya Network kasi they were nice and supportive naman to her.”
Dagdag pa niya, “It was Janella’s home for the past ten years and her last teleserye, ‘THE KILLER BRIDE ‘ was a hit. Wala namang nagmaldita during our meeting.




Pinasalamatan nito ang Tv5 sa pag consider kay Janella na isa sa kanilang maging host. “Maganda naman yung talk show they’re offering but we thought it best huwag magmadali and to just wait and see muna. We’re hoping there will be other offers sa last quarter of the year and sana by that time, natapos na rin itong health crisis na pinagdaraanan natin sa ngayon.”

Matatandaan na naging kontobersyal din nito lang nakaraan si Janella matapos magpa Tulfo ang kanyang Personal Assistant o PA na si Michelle Pelongco, ngunit hindi naman accurate lahat ang sumbong ng kanyang PA at mabilis itong sinagot ni Janella.

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only