Wednesday, July 29, 2020

Heart Evangelista Ipinagpapasa-Diyos Ang Pagkakaroon ng Anak


Ipinagpapasa-Diyos ni Heart Evangelista ang pagkakaroon ng sarili niyang anak. Si Heart ay kasal kay Chiz Escudero na ngayon ay Governor ng Sorsogon. Sa ngayon ay masaya siya sa pagiging stepmother ng 12-year-old na anak ni Chiz na kambal na si Quino at Chesi. Ang kambal ay anak ni Chiz sa dati nitong asawa na si Christine Flores.




Si Heart at Chiz ay tatlong taon ng kasal ng siya ay magbuntis ng kambal nuong May 2018. Sa kasamaang palad ay mag-kasunod nuon na dumanas si Heart ng miscarriage.
Sa Q&A sa Instagram story nitong Linggo, isang follower niya ang nagtanong kung meron ba siyang plano magkaroon ng anak. Sa reply naman ng actress sinagot niya ito na hindi sa kanya kundi sa Diyos nakasasalalay ang pagkakaroon niya ng anak. Siya raw ay nagtitiwala sa plano ng Diyos para sa kanya at masaya siya na tanggapin kung ano man ito. Ang reply ni Heart sa follower, “More of… what is Gods plan for me? I trust him and I will be happy no matter what [heart emoji]”

Matatandaan na ilang beses din kumalat ang balita na buntis ang actress nitong mga nakaraang buwan, lalo na ng nag post ang actress sa Instagram ng kanilang picture ni Chiz na hawak ang kanyang puson. Ngunit pinabulaanan na ito ni Heart. Sa isang tweet nuon ni Heart, nagpasalamat siya sa lahat ng bumati ngunit fake news ang kumakalat na buntis siya. Binigyang diin niya rin na “sensitive topic” para sa kanya ang pag-bubuntis.
Samantala, isa pa niyang follower ang nag-tanong sa kanya kung siya ba ay masaya at kuntento sa kanyang buhay. At nireplyan niya ito ng “I am grateful and because of that I am happy[heart emoji]” life is far from perfect and we all have problems… you just have to see the little blessings in your life and that should be enough[heart emoji]”

Post a Comment

Whatsapp Button works on Mobile Device only