Pinahihintulutan na ng gobyerno ang pag-bubukas ng mga gyms o
fitness centers, cinemas, pet grooming services at iba pang mga establishments
na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) areas, ayon ito sa
inanunsyo ng Presidential Spokesman na si Harry Roque, nuong Miyerkules, July
29, ito ay magsisimula sa August 1.
Ang mga sumunod ay ang mga allowed na mag operate na 30%
capacity lamang ang pwede kagaya ng:
- Testing, tutorial, review centers
- Gyms, fitness centers, sports facilities for non-contact sports
- Drive-in cinemas
- Internet cafes
- Establishment offering personal grooming and aesthetic services
- Pet grooming
Ang nasabing mga establishment ay kailangan mag comply sa health
protocols ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department Of Health (DOH).
Samantalang sa usapin naman ng gym, non-contact sports lang ang kanilang
pinapayagan katulad ng mga jogging, badminton, swimming, golf, tennis at iba pa.
Ito ay dahil may contact pa rin ang ibang mga sports kagaya ng basketball,
boxing, karate etc. na maaari pang maging sanhi ng pag-kakaroon ng virus.
Samantalang sa kaparehas na pag-pupulong ay pinahintulutan na
din ang pag-operate o pag-bukas ng entertainment, cultural and tourism na nasa
ilalim naman ng modified general community quarantine (MGCQ). Ang mga sumunod
na ito ay ang:
- Live Events
- Entertaiment Industries
- Dance, acting and voice lesson schools
- Driving schools
- Tattoo and body piercing
- Tourism destination
Hindi naman pinapayagan
pang mag-operate ang mga kid amusement industries kagaya ng mga amusement park,
zoo, etc. Ganun din ang mga bar o kahit anung establishment na nag-seserve ng
alcoholic beverages, sa kahit anung uri ng community quarantine sa bansa.
Post a Comment