Michael V. (Bitoy) tested positive sa coronavirus disease
2019 (COVID-19).
Ibinalita at idinokumento ng Kapuso comedian ang kanyang
sitwasyon nitong umaga ng Lunes July 20, 2019 sa kanyang bagong vlog sa kanyang
YouTube channel. Ayon kay Bitoy nakaranas daw sya ng flu-like symptoms nung nakaraang
gumagawa sya ng kanyang vlog.
“Nag isolate agad ako ng makaramdam ako ng symptoms at nag
self-quarantine. Nagpa check-up ako sa doctor online at uminum ng gamot, at
bumuti naman pakiramdam ko sa mga sumunod na araw”. Pahayag ng actor comedian.
Ayon sa comedian, mga nakaraan pa sya nakaramdam ng hindi mapaliwanag na
pakiramdam tulad ng pagkawala ng kanyang pang-amoy at pang-lasa.
Sa ika-walong araw ng kanyang ginawang
self-isolation at self-quarantine, dumating ang result ng kanyang swab test at naging
positive ang result nito. “SARS-CoV-2 (causative agent of COVID-19) viral RNA
detected, positive nga po sya” paliwanag ng comedian. “Lagnat na lang sya, pero
yung pagka-wala ng pang amoy ko medyo bumabalik na sya” ayon kay Bitoy.
Ayon
sa actor comedian, nasa proseso parin sya ng pakikipag laban sa virus na
COVID-19. Nung Nawala daw ang pang amoy ng comedian alam nya na agad na hindi yun
normal at tingin nya may kinalaman eto sa virus na COVID-19 at nagdasal sya na sana
wala nga, pero after nga ng test nya naging positive ang result nito. Pahayag
ni Bitoy na tuloy at sundin lang natin ang mga sinasabi satin na kailangang
gawin at malalampasan din natin to. “Namimiss ko na ang Family ko” ika ng comedian.
Kasama si Michael V. sa mga kilalang celebrities na tinamaan ng virus tulad
nina Howie Severino, Christopher de Leon, at Iza Calzado.
Naitala ng Pilipinas nakaraang araw ng linggo July 19, 2020 ang
mahigit sa 2,000 new COVID-19 cases. Meron ng higit sa kabuoang 67,000 cases ng
COVID-19 ang Pilipinas.
Post a Comment